Plan talaga ng Omehen project na gumawa ng experimental art habang nakikipag-engage sa immediate communities na kailangan ng attention. Palagay namin na nagawa naman ‘yun ng group pero marami kaming hindi inexpect na outcome sa buong proseso. Dahil sa ilang outcome na ito, maraming natutunan ang Sandbox Residents, pati na rin ang Bakwit Schools at ang maraming collaborators ng Omehen.
Bukod sa pagiging simpleng vegetable garden, ay bilang isang art project na kino-combine ang paggawa ng art, community work, at teaching, ginawa naming curricular activity ang Omehen upang makasali rin ang mga students, faculy, staff, at administration ng Ateneo sa pagbuo ng garden. Ang kuwento ng Omehen ay kuwento ng maraming pagititipon – ng mga ideya, pagtitipon ng mga manlilikha, pagtitipon ng mga gulay, pagtitipon ng sankatutak na puwersang nakikita pero hindi nararamdaman at nararamdaman pero hindi nakikita.
Ilan lamang sa mga pinakamemorable na gatherings namin ay noong hinanda namin ang lupa para magtanim, ang pagharvest ko ng ilang gulay habang dinaranas ng buong mundo ang COVID-19 pandemic, at ang pagtatapos ng mismong proyekto.
Natuwa akong makita ang ritwal na dinaos ng Bakwit students bago pa linisin at taniman ang ”bakanteng” lupa malapit sa DEWATS ng campus noong February. Kinailangan ng mga students ng isang native chicken (nalimutan ko na ang pinangalan namin sa kanya pero ang teammate namin na si Guelan ang bumili nito) bilang alay sa gagawing garden. Alam kong hindi bago sa mga Pilipino ang paggilit ng leeg ng manok lalo na sa mga bagong building (madalas iniisip ko kung nasa budget ito ng mga contractors kapag gumagawa ng maraming condominium), pero ang arresting talaga makita siyang live lalo na bilang outsider. Maging ang mga graduating students namin ay mukhang natulala.
Nanatili sa akin ang realization na sadyang naiintindihan ng mga Lumad ang kalikasan dahil ang ritwal ay hindi lamang paghingi ng pahintulot sa gagawing garden kundi isang pag-acknowledge na hindi lamang tao ang kabahagi namin sa paggawa nito. Tinuluan ng dugo ng manok ang mga gardening tool pati ang ilan sa aming mga hintuturo upang wag kami saktan ng patalim at para gabayan kami sa aming gagawin.
Sa pagtatanim namin ng ampalaya (Momordica charantia), sitaw (Vigna unguiculata ssp. sesquipedalis), okra (Abelmoschus esculentus) at kangkong (Ipomea aquatica), nagbunga ito ilang buwan matapos ang pagsabog ng Taal, habang nagaganap ang state-sponsored killings ni Duterte, at maging sa kalagitnaan ng pandemya. Dahil hindi namin ito mapuntahan at tinapos ng University ang semester upang umiwas sa COVID-19, umusap kami ng isang maintenance staff upang diligan ang mga halaman, at namunga naman ang mga ito sa kabila ng lahat. Habang minomonitor ko ang mga report ng aming collaborator na allowed sa campus via Facebook, at pati na rin sa tulong ng ilang Jesuit Residents, nagawa kong bumisita at makita ang pinaghirapan naming harvest around May. Natuwa akong pumayag ang Sandbox na tulungan akong i-3D scan at print ang tatlo sa apat na gulay na aming naharvest dahil alam kong posibleng hindi manatili ang vegetable garden lalo na’t walang may alam kung kailan matatapos ang pandemic.
Sa huli, dahil rin narelocate na ang aming campus correspondent (na nagdagdag rin actually ng sarili niyang tanim na kalabasa), nakitang kong nilamon na ng gubat sa likod ng baseball field ang aming vegetable garden. Overpowered man ang ampalaya at mga sitaw ng sari-saring baging sa area, sobrang taas ng mga okra kahit magulang na at nakakatuwang nagsurvive rin ang mga kalabasa.
Sa pagbalik ng vegetable garden sa lupa around August, narealize ko na marami ring pinagdaanan ang Omehen. Nakahigit sa apat kaming temporary sites kung saan dapat ilalagay ang garden dahil hindi namin alam kung paano i-navigate ang paghingi ng permiso sa University. Interesting ito para sa amin dahil nagkakaroon ng clash ang ”wild” at “untamed” vs “landscaped” and “clean”, at nasa gitna nito ang konsepto ng isang vegetable garden na hindi exactly manicured or mass-produced pero hindi rin naman rainforest o jungle.
Malaki ang pasasalamat ko sa aming Bakwit collaborators dahil sa marami nilang naituro sa amin tungkol sa kanilang mga tradisyon, pedagogy, at sitwasyon. Ayon na rin kay Karl na nagpakilala sa akin sa Lumad students, maliit na bahagi ang garden ng kanilang mas malawak at patuloy na laban para sa kasarinlan. Sa kanila pa lamang paglikas mula sa kani-kanilang mga probinsya papunta sa Maynila dahil sa mining threats, political conflicts, personal security, at learning handicaps na kinakaharap nila, ninais ng Omehen na makinig at makibahagi sa kanilang mga hinaing bilang indigenous people ng Pilipinas at ginusto rin naming ibalik sa Bakwit students ang experience ng pag-aaral kasama ang kalikasan lalo na ng agrikultura. Sa maraming usapin ngayon ukol sa future of food, sustainability, climate crisis, at land use, isa ang sitwasyon ng Bawkit schools sa maraming kuwento na nakapagturo sa akin na patuloy natin dapat gamitin ang edukasyon (in its many forms) para tulungan ang isa’t isang maintindihan kung paano maging mabuting mamamayan, mag-aaral, guro, artist, at tao.
Sa mga pagtitipong ito, gaya ng garden, marami pang kwentong marahil hindi na kayang ilahad nang buo subalit maaring manatili. Ngayon, nanahan ang Bakwit students sa UPCFA at nagmemaintain ng sarili nilang mga garden, habang patuloy na minimismanage ng pamahalaan ang pandemic. Nagbenefit ang pamilya ng maintenance staff that we collaborated with sa maraming naharvest na gulay, habang kumuha ako ng isang ampalaya at nagpatulong sa co-faculty ko na si Smile para gawin itong ginisang amapalaya at itlog.
– Alfred Marasigan, Sandbox Resident, October 2020