This Month

Mga Multo

Date

June 23-30, 2024

Venue

Doreen Black Box Theater

Description

Sa ika-45 na Tagdula ng Tanghalang Ateneo, isasadula nito ang “Mga Multo’ ni Henrik Ibsen na nagtatampok ng Pag-ibig at Himagsikan | Love and Revolution—sa loob ng tahanan—at ang kaugnay nitong kapangyarihan, pulitika, at reputasyon.

Umiikot ang kuwento kay Senyora Alvino na itinataguyod ang pumanaw niyang esposo sa pagtatatag ng bahay-ampunan sa ngalan ng kanyang kabiyak.

At sa pag-uwi ng kanyang anak na si Oswaldo mula sa matagal na pamamalagi sa ibang bansa, mahahayag ang mga sikreto at sakit na sabay magpapalaya at lalong magbibilanggo sa kanya.

Tickets are available via https://bit.ly/TA45MultoTickets