Kuwentong Jataka
Ang Jackal na Nagligtas sa Leon
Nang iligtas ni Jackal si Leon sa bingit ng kamatayan, sila’y naging matalik na magkaibigan. Ngunit si Leonesa ay hindi makapagkasundo kay Jackal. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkakaibigan?
Mga Kwentong Jataka: sari-saring salaysay mula sa buhay ni Buddha, inihahandog sa inyo ng Areté at ng Embahada ng India, kaakibat ng Loyola Schools Kagawaran ng Filipino. “Ang Jackal na nagligtas sa Leon” isinalin sa Filipino ni Mark Benedict F. Lim at babasahin satin ni Sharmaine V. Hernandez.
Gabay sa Pag-aaral
Hinanda nina Ricardo G Abad, PhD, Senanda Gomez, at Vanessa Reventar
Ang Mga Kuwentong Jataka ay binubuo ng samu‘t saring mga salaysay na ipinapakita si Buddha sa kanyang anyong tao, hayop, o kaya’y banal na anyo. Sa loob ng mahabang panahon ang mga kuwentong ito ay patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon at bawat kultura, dahil sa mga mabuting aral na itinuturo nito ukol sa katotohanan, pagmamalasakit, katapatan, pagkakaibigan, at pagtulong sa kapwa.
Mga gabay na tanong:
Aling tauhan ka pinaka-nakaugnay? Sa anong paraan?
Sa iyong palagay sino sa mga tauhan si Buddha?
Paano nalutas ang suliranin sa kuwento? Anong aral ang natutunan ng mga tauhan?
Magbigay ng 3 konkretong paraan kung paano mo magagamit ang aral na ito sa sariling mong buhay.
Gawain
Gumuhit ng isang larawan ng iyong paboritong bahagi ng kwento. (Opsyunal na Gawain: Kulayan ang ginawang larawan)
Magsulat ng maikling liham para sa isang tauhan mula sa kuwento. Bumati at sabihin sa kanila kung ano ang nagustuhan mo sa ginawa nila sa kuwento.