Kuwentong Jataka

‘Uling’ ni Impo

Napagtanto ni Uling na kailangan nyang makahanap ng paraan upang matulungan si Impo na tumatanda at humihina na. Pano kaya masusuklian ni Uling ang pagmamahal ni Impo?

Mga Kwentong Jataka: sari-saring salaysay mula sa buhay ni Buddha, inihahandog sa inyo ng Areté at ng Embahada ng India, kaakibat ng Loyola Schools Kagawaran ng Filipino. “Uling ni Impo” isinalin sa Filipino ni Michael M. Coroza, PhD at babasahin satin ni Corazon L. Santos, PhD.

Gabay sa Pag-aaral
Hinanda nina Ricardo G Abad, PhD, Senanda Gomez, at Vanessa Reventar

Ang Mga Kuwentong Jataka ay binubuo ng samu‘t saring mga salaysay na ipinapakita si Buddha sa kanyang anyong tao, hayop, o kaya’y banal na anyo. Sa loob ng mahabang panahon ang mga kuwentong ito ay patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon at bawat kultura, dahil sa mga mabuting aral na itinuturo nito ukol sa katotohanan, pagmamalasakit, katapatan, pagkakaibigan, at pagtulong sa kapwa.

Mga gabay na tanong:

  1. Aling tauhan ka pinaka-nakaugnay? Sa anong paraan?

  2. Sa iyong palagay sino sa mga tauhan si Buddha?

  3. Paano nalutas ang suliranin sa kuwento? Anong aral ang natutunan ng mga tauhan?

  4. Magbigay ng 3 konkretong paraan kung paano mo magagamit ang aral na ito sa sariling mong buhay.

Gawain

  1. Gumuhit ng isang larawan ng iyong paboritong bahagi ng kwento. (Opsyunal na Gawain: Kulayan ang ginawang larawan)

  2. Magsulat ng maikling liham para sa isang tauhan mula sa kuwento. Bumati at sabihin sa kanila kung ano ang nagustuhan mo sa ginawa nila sa kuwento.

Kuwentong Jataka

The Embassy of India in Manila in collaboration with Areté Ateneo has developed a series of 12 short and engaging podcasts each narrating one of the Jataka Tales in the Filipino language.

Read These Next

For further reading