Our Way Forward

"Ang Nakikita kong Bukas" Mula sa Mata ng ating mga Bata

Ako si Teacher Robyn, isa sa mga guro ng AHA Learning Center. Sa tema ng “Our Way Forward,” sa tingin ko hindi dapat ako ang sasagot ng tanong na ito. Bilang isang guro, bilang isang Atenista, hindi na ata kailangan na marinig ang tinig ko ukol sa tingin ko na mangyayari sa atin, sa ating sarili, sa ating komunidad, sa ating bansa at mundo.

About

Robyn Jereza

Lead Teacher, AHA! Learning Center

Ako si Teacher Robyn, isa sa mga guro ng AHA Learning Center. Sa tema ng “Our Way Forward,” sa tingin ko hindi dapat ako ang sasagot ng tanong na ito. Bilang isang guro, bilang isang Atenista, hindi na ata kailangan na marinig ang tinig ko ukol sa tingin ko na mangyayari sa atin, sa ating sarili, sa ating komunidad, sa ating bansa at mundo.

Ngunit, sa espasyong inalaan para sa amin, nais kong ipagmalaki ang nakikitang “Way Forward” ng aming mga bata. “[Sa] mura kong edad ay parang napalitan na ng edad ng matatanda kapag mag-isip,” sabi nga ni Keith. At ganon po talaga ang pag-iisip ng mga bata pong ito. Ang apat na mga batang ito ay nagmumula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, at nakakamangha ang kanilang pag-iisip, kanilang paghahalaga sa pag-asa, pagkakaisa, pag-aaral, at pagpapatuloy. Hindi natin maiintindihan ang tunay na epekto ng mga nangyayaring ito sa kanila, at hindi natin sila maproprotektahan sa mundo na kanilang imamana, ngunit inaanyaya ko kayo na makiisa sa kanilang pag-asa. Sa huli, pagmamay-ari naman po talaga ng ating mga future doctor, businessmen, police, engineer, at artist ang ating mundo, ang ating way forward.

10 years old. Misamis Oriental. Future doctor

Ang nakikita kong bukas para sa lahat ay peace. Dapat magkasundo talaga tayo para walang away, gulo, at problema. Ang susunod kong nakikita na bukas ay positive. Gusto ko na positive lahat ang sinasabi ng mga tao tulad ng, “Wala ng Corona Virus sa Buong Mundo!” Kase makasaya ang positive sa akin, unlike negative at kahit may problema ang mga tao ay gumagaan ito kapag sinasabing positive. Ang ika-tatlo kong nakikita na bukas ay healthy environment. Gusto ko na walang kalat kahit saan at gusto ko din na walang mga tao na magtatapon kahit saan. Ang ika-apat kong nakikita na bukas ay no world war. Gusto ko na walang bansa ang may away-away. Katulad ng peace, dapat tayo ay magkasundo para wala rin gulo. Ang ika-lima kong nakikita na bukas ay no virus. Gusto ko na walang kakapit na virus sa buong mundo at gusto ko din na malusog ang mga tao. Makakamit natin itong lahat kung tayo ay magtutulong-tulong para sa ikauunlad sa ating kinabukasan.

12 years old. Makati. Future Engineer and/or Artist

10 years old. Makati. Future Doctor or Businessman

Ako ay isang estudyante, estudyanteng nangangarap na makapagtapos ng pag- aaral, naghahangad ng magandang kinabukasan. Pero paano nga ba natin ito maabot? Ang sagot, lalaban tayo at sama-samang aangat laban sa kahirapan. Nasa atin na lamang kung paano natin ito pagyayamanin at pauunlarin kaya tayo nang kumalap ng kaalaman at hubugin ng tama ang ating sarili. Pag-aaral ang magiging solusyon tungo sa magandang kinabukasan. Kailangan ang sikap at tiyaga at paghirapan ang bawat bagay na ang kapalit ay kaginhawaan. Kaya tayo bilang mga anak, bilang isang estudyante, suklian natin ang bawat pagsasakripisyo ng ating mga magulang, pati na rin ng ating mga guro, bilang pagrespeto sa pagpapahalaga ng mga ginagawa nila para sa ating mga bata. Gawin nating inspirasyon ang bawat isa, sa bawat pagtaas ng kamay sa klase, sa bawat pag tayo sa harapan ng klase, sa bawat pagsusulit na ating sinasagutan at ika nga nila sa bawat hirap may kapalit na ginawa. Edukasyon ang susi at pinakamahalagang bagay para makatulong sa ikauunlad ng ating bayan. Kaya habang may pagkakataon mag-aral, pilitin nating makapagtapos para sa ikauunlad ng ating buhay. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na ang sapat at de kalidad na Edukasyon ay kailangan ng isang bansa tungo sa kaunlaran. Tayo nang mag-aral tungo sa magandang kinabukasan

10 years old. Iloilo. Future Police Officer

“The Lord himself goes before you and will be with you; he will never leave you nor forsake you. Do not be afraid; do not be discouraged.” Deuteronomy 31:8

Limang milyong katao na ang apektado dahil sa coronavirus at maraming nagtatanong kung anong mangyayari sa atin. Umabot na sa apat naraang libong katao ang namamatay dahil dito ngunit humigit kumulang dalawang milyon naman ang nakaligtas. Makakaligtas ba tayo sa epidemyang ito? Sa tingin niyo uubusin ba talaga tayo nito? Ganito ang mga nasa isip ng mga matatanda sa ngayon. Parang takot na takot sa di mawari kung ano ang kanilang gagawin. Sa mura kong isipan, napaisip tuloy ako. Ano nga ba ang magiging bukas natin? Hanggang kailan kaya ito matatapos? Namimiss ko nang bumalik sa paaralan, makipaglaro sa mga kaklase’t kaibigan. Namimiss ko na ring makipagkulitan sa iba ko pang mga pinsan. Ang mura kong edad ay parang napalitan na ng edad ng matatanda kapag mag-isip at ganito ang laman nito sa mga nangyayari ngayon.

Malaki ang posibilidad na may magandang bukas tayong kakaharapin kung sa ngayon pa lang ay sumunod tayo sa mga ipinag-uutos ng nakakataas. Palawakin pa natin ang ating isipan sa pag intindi sa mga nangyayaring parang isang palabas sa pelikula. Nakikita ko sa aking isipan ang pagbalik ng lahat sa dati. Ang dahan dahang pagbukas ng lahat ng mga establisyemento, ang pagbalik ng mga tao sa normal na pamumuhay, at higit sa lahat ang pagbubukas ng klase. Nandoon pa rin ang pag-iingat para hindi na maulit ang nangyari. Nakikita ko ring lumuwang ang pamumuhay ng bawat pamilya, mas naging masipag ang gobyerno sa pagtulong sa mga ito.

Virus ka lang, mga mamamayan kaming nagkakaisa at matatalo ka namin. Lahat ng problema kayang malusutan kung nagtutulungan at nagkakaisa ang bawat isa. Hindi kakayanin ng ating gobyerno na mag-isang labanan ang epidemya, kailangan nila ng tulong natin. Sa pakikipagtulungan ng bawal pamilya kahit ano pang virus na dumating mananalo at mananalo tayo, kaya laban lang.

Lead Teacher, AHA! Learning Center. Experience in project design and management, early grades teaching, and content development.

Ang AHA Eskwelang Pamilya ay isang libreng text-based Facebook school na sinimulan ng AHA Learning Center para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa panahon ng COVID-19. Sa halip na sa loob ng classroom tulad ng ating nakasanayang paraan ng pagkatuto, dadalhin ang lessons sa pamamagitan ng Facebook Groups at Free Facebook Messenger.

Layunin ng proyektong ito ang: (1) Tulungan ang mga batang maging produktibo, masaya, at matuto pa rin kahit na sa panahon ng COVID; (2) Tulungan ang mga nanay at tatay magkaroon ng bonding at learning time kasama ng kanilang mga anak; (3) Magbigay pag-asa at ng panandaliang kasiyahan sa mga pamilyang napilitang pumirmi dahil sa COVID; at (4) Magkaroon ng safe space online, kahit hindi man tayo magkasama-sama!

Our Way Forward

Our Way Forward is a series of analysis, speculations, and projections on the ways that the COVID crisis will shape our future, and the resilient systems we should build in its aftermath.

Read These Next

For further reading