Sandaang Salaysay
Ang Matsing at Ang Pagong
Noong 1885, nakatira si Rizal sa Paris at madalas siyang makikain sa bahay ng mga Pardo de Tavera. Doon niya nakilala ang dalagang si Paz, na nililigawan ng matalki na kaibigan at roommate niyang si Juan Luna.
Pambungad
Noong 1885, nakatira si Rizal sa Paris at madalas siyang makikain sa bahay ng mga Pardo de Tavera. Doon niya nakilala ang dalagang si Paz, na nililigawan ng matalik na kaibigan at kakwarto niyang si Juan Luna.
Kostumbre noon na may kuwaderno o album ang mga dalagang Europeo na pinasusulatan nila sa mga kaibigan. Dahil malapit nang mapuno ang kuwaderno ni Paz, sinasabing inubos ni Rizal ang mga pahina sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasalaysay sa katutubong pabulang “Ang Matsing at ang Pagong”.
Kinikilala ang kuwentong ito bilang isa sa mga halos siguradong ipinanganak sa lupain ng Pilipinas. May bersyong Bagobo nga raw na kumakalat na bago pa man tayo magkaroon ng nakasulat na kasaysayan, na siyang pinagmulan ng bersyong Iloko, Kapampangan, Bisaya, Tagalog, at Tinguian.
Kinikilala naman ang bersyon ni Rizal bilang isa sa, kundi man, unang komiks na gawa ng isang Pilipino. Mula sa orihinal na Español ni Rizal, itong bersyong Tagalog ay isinalin at ibinasa ni Paolo Ven B. Paculan.
Mga Pantulong sa Pag-Aaral
ni Paolo Ven B. Paculan
TANONG
Sa lahat ng kuwentong iguguhit ni Rizal sa kuwaderno ni Paz ay ito ang pinili niya. Bakit kaya malapit sa puso ni Rizal ang kuwentong Ang Pagong at ang Matsing? Ipaliwanag sa pamamagitan ng 1-3 nakasulat na pangungusap o ng 1 minutong pabigkas na sagot.
GAWAIN
Sa iyong tahanan o paaralan, magbigay ng isang halimbawa kung paano ipinagbabayad ang mga tao para sa mali nilang ginawa? Para sa iyo, bakit tama at/o mali ang paraang ito? Kung ikaw ang masusunod, paano mo tutulungan ang nagkamali na magbago? (Sagutin sa pamamagitan ng isang talatang may 3-5 pangungusap o ng 1-2 minutong pabigkas na paliwanag.)
Mga Kuwento sa Serye sa Kasalukuyan
Sa Filipino
- Ang Pagong at ang Matsing
- Ang mga Paglalakbay ni Juan
- Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda)
- Ang Unang Unggoy
- Ang Alamat ng Palay
Sa Ingles
- The Monkey and the Turtle
- Sun and Moon
- Sagacious Marcela
- The Story of our Fingers
- Why Cocks have Combs on their Heads
Abangan ang iba pang kuwento sa seryeng ito!